IMPOSIBLE NGA BA?

Go to fullsize image  Sana hindi nagbabasa ng blog yung prospect ko. Hay, sabi ng marami isang mahirap na task ang paamuin siya, pero kahit mahirap nagawa ko yun. Sabi rin nila hanggang dun na lang yun. OO, naman, dun aminado ako. Kasi naman di talaga ako uubra sa kanya. Sa maraming kadahilanang di ko pwedeng sabihin dito kasi baka nga nagbabasa ng blog yun eh di napahamak pa ako :)

Basta lang di pwede…nakakahinayang, minsan naiisip ko bakit kailangan pang ipakita sa’yo ung isang taong halos perpekto na para sa’yo tapos alam mong di din talaga siya pwedeng maging sa’yo. Ang labo noh! pero sabi nga nila, kahit isang minutong pag-ibig ok na kesa sa wala..kaso sa wala pa rin talaga ako nahuhulog. Walang kapag-a-pagasa.

Maraming babaeng maiingit sa kin pag naging sa kin sya, kinakainggitan ko yung babaeng minsan nagmay-ari sa kanya. Kung makikilala ko lang yun, babatukan ko siya, ang bobo niya kasi.. yung mga ganong tao di na pinapakawalan..hay…

Sa bawat minutong nagtatama yung paningin namin, para akong nasa langit. kapag ngumingiti siya sa akin… kapag kumikislap yung mga mata niya..para siyang anghel sa paningin ko..

Dami din naming pagkakapareho, yung level of meanness pati sense of humor namin, swak din! sayang talaga… ngayong taon malamang mawawala na siya sa mundong ginagalawan ko, naririnig ko na yung kantang butterfly ni Mariah Carey..Sana di na lang siya dumating sa buhay ko kung mawawala rin pala siya ng ganun ganun na lang…. sana di talaga siya nagbabasa ng blog., sana di niya malamang siya yung tinutukoy ko…salamat sa mga minutong pinapangiti mo ako kahit wala ka sa tabi ko..salamat :)

Bookmark and Share

2 Responses to “IMPOSIBLE NGA BA?”

  1. Jel Says:

    Ano ka ba? Naiiyak ako sa sinulat mo. Huhuhu. :( Parang nagre-resonate sa kin yang nararamdaman mo. Basta if you need sum1 to talk to sabihin mo lang I’m, wag lang sa fone kasi lagi akong wala, text or e-mail me o kaya meet na lang ulit tayo. :)

  2. Jel Says:

    What I mean is…I’m Here, if you need me.

Leave a Reply